Nagkaroon ng birthday celebration si Megastar Sharon Cuneta sa ASAP Natin ‘To nitong linggo, January 5. Present dito ang asawa niyang si Senator Kiko Pangilinan at mga anak na sina Frankie, Miel, at Miguel.
Hindi naman nakadalo sa selebrasyon ang panganay ni Sharon na si KC Concepcion.
Sa Instagram post ni KC, sinabi niyang “Happy birthday, mama. ♥️ I’m sorry I couldn’t join the ASAP celebration for personal reasons. We may not be perfect, but in the many ways I know how to LOVE you, I have, I do and I always will.”
Ipinahatid ni KC ang kanyang birthday message para sa ina kasama ang isang lumang litrato nilang magkasama. Sinabi rin ni KC na gagawin niya ang lahat para maging proud ang Megastar sa kanya.