Madalas makita ng fans na nagta-travel nang magkasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Para kay Daniel, wala namang problema sa pagiging mag-isa pero mas masaya raw kung may kasama, mapa-travel man o trabaho. Aminado ang dalawa na na-miss nila ang isa’t isa matapos ang kani-kanilang individual projects.
Sinabi naman ni Kathryn na nakakatulong para mabalanse ang buhay at trabaho dahil sa partner, lalo na kung ang isa sa kanila ay pagod o malungkot. Pakiramdam niya, kaya sila nagtagal ni Daniel ay dahil sinusuportahan at tinutulungan nila ang isa’t isa. Suportado ni Kathryn ang singing career ni Daniel at full support rin naman ito sa solo acting career ng kanyang girlfriend. Para naman kay Daniel, sikreto sa matatag na relasyon ang malawak na pag-iisip at ang masasayang alaala na magkasama.