Ibinahagi ni Kathryn Bernardo ang vlog entry tungkol sa kanyang naging biyahe sa European country na Iceland kasama ang real-life boyfriend na si Daniel Padilla. Ito ang unang video na inupload ni Kathryn sa kanyang bagong YouTube channel. Kita sa video ang pagdating nila sa Nordic Station at sa mga lugar na kanilang binisita. Ayon sa Queen of Hearts, nasa bucket list nila ni Daniel ang Iceland adventure.
Magkasama rin ang KathNIel na sinalubong ang bagong taon. Sa Instagram post ni Kathryn, makikitang ang litrato ni DJ na may hawak na dalawang lusis. Matatandaan na sa Intramuros naman nag-impromptu Christmas date sina DJ at Kat. Binahagi ng KathNiel ang litrato nilang dalawa na nag-iikot sa ilang famous spots sa Intramuros, kabilang na ang San Agustin Church at Gallery of the Presidents of the Philippines.
Inaabangan na ang muling pagtatambal ng KathNiel sa telebisyon ngayong taon.