Kinaiinisan na ang karakter ni Richard Yap sa afternoon teleseryeng Kadenang Ginto.
Ayon sa aktor, maiinit na mga komento na ang kanyang natatanggap mula sa mga manonood. Ang ibang fans, sinasabi umanong inu-unfollow na siya dahil hindi na nila alam kung kalaban o kakampi ba si Leon ni Romina na ginagampanan ni Beauty Gonzalez. Pero sinabi ni Richard na positibo pa rin niyang tinatanggap ang mga ito at ginagawang hamon para mas pagbutihin pa ang kanyang trabaho. Nangangahulugan din umano ito na epektibo siya bilang aktor.