Sa ulat ni Ganiel Krishnan, ibinahagi ang excitement na nararamdaman ng mga Kapamilya stars para sa gaganapin na ABS-CBN Ball 2019 na may temang Filipiniana.
Excited na si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid na first time dadalo sa ABS-CBN Ball kasama ang kanyang asawang si Ogie Alcasid. Inaabangan na rin ng fans kung ano ang susuotin ng kanilang mga idolo at kung sinu-sino ang mga magkaka-date ngayong taon.
Isa sa mga inaabangan si Chinita Princess Kim Chiu, lalo pa’t taun-taon ding trending ang kanyang OOTD. Matinding body conditioning naman ang ginawa nina Maris Racal at Sue Ramirez bilang paghahanda sa okasyon. Ayon kay Sue, hindi siya kumakain nang marami para lalong bumagay sa kanyang ang susuotin. Inamin ni Inigo Pascual na niyaya niyang maging ka-date si Maris.
Ang mga singers na sina Erik Santos, Klarisse de Guzman, Angeline Quinto at Jed Madela ay todo na rin ang ginagawang preparasyon para sa ABS-CBN Ball 2019.
Bukod sa taunang pagsasama-sama ng mga Kapamilya stars at executives, ang ABS-CBN Ball 2019 ay nagsisilbi ring fund-raising event na naglalayong makalikom ng pondo na makatutulong sa beneficiaries ng Bantay Edukasyon na programa ng Bantay Bata 163.