Hindi nagpahuli sa “Tala” dance craze si KaladKaren. Kahit nasa London ay nakisabay sa pag-indak ang TV host-comedienne. Makikita pa sa kanyang likod ang tanyag na tower bridge ng lungsod. Kwento pa ni Kaladkaren, muntik pa siyang mahuli ng pulis, pero umaasa siya na magiging proud si Sarah Geronimo sa kanya.
Naging instant internet sensation si Kaladkaren noong 2017 dahil sa mga YouTube videos niya ng panggagaya sa batikang ABS-CBN broadcast journalist na si Karen Davila. Bukod naman sa pagiging segment host ng Umagang Kay Ganda, napapanood din si Kaladkaren sa I Can See Your Voice bilang isa sa singvestigators.