Nasa London, England ngayon ang TV host-comedienne na si Kaladkaren para bisitahin ang kasintahan na si Luke. Nakasama ni Kaladkaren ang pamilya ng boyfriend at mga kaibigan nito.
May litrato pa ang komedyante sa harap ng isang iconic na London double decker bus at may caption na “Awra o sagasa?😂😂😂 Charot! Oh, London... You still make my heart skip a beat!”
Naging instant internet sensation si Kaladkaren noong 2017 dahil sa mga YouTube videos niya ng panggagaya sa beteranang ABS-CBN newscaster na si Karen Davila. Bukod naman sa pagiging segment host ng Umagang Kay Ganda, napapanood din si Kaladkaren I Can See Your Voice bilang singvestigator.