Tinanghal na Best Actress ang Kapamilya star na si Judy Ann Santos sa naganap na 41st Cairo International Film Festival sa bansang Egypt. Ang naturang pagkilala ay para sa pagganap ni Juday sa pelikulang “Mindanao,” sa direksyon ng award-winning director na si Brillante Mendoza.
Bukod sa Best Actress award na nakuha ng aktres, binigyan din ng pagkilala ang pelikula bilang Best Artistic Contribution sa nasabing film festival. Mapapanood din ang movie na ito bilang isa sa mga official entries sa darating na 2019 Metro Manila Film Festival.
Patuloy pa rin na napapanood si Juday sa teleseryeng Starla bilang ang bidang kontrabida na si Atty. Ther1esa Dichaves. Kasama niya rito sina Joel Torre, Jana Agoncillo, Enzo Pelojero, Meryll Soriano, Joem Bascon, Raymart Santiago at Tirso Cruz III.