Sa kanyang pagbabalik-teleserye sa Kapamilya network, gaganap bilang kontrabida si Judy Ann Santos. Ayon kay Juday, timely para sa Christmas season ang teleserye na may temang pagpapatawad, pananalig at pamilya.
Excited naman si Juday na gumanap bilang nang-aapi, kaya naman kung dati ay laging nakatungo, ngayon ay taas-noo lagi siya sa set. Bukod pa roon, ito ang unang teleserye ni Juday na magsisimulang mayaman ang kanyang karakter.