Ipinasilip na sa publiko ang latest Brillante Mendoza film na “Mindanao” na pagbibidahan ng batikang aktres at Kapamilya star na si Judy Ann Santos.
Makulay at nakamamangha ang teaser na tampok ang sining, kultura at magagandang lugar sa Mindanao. Nagpasalamat naman si Juday nang mabigyan ng bibihirang pagkakataon na makatrabaho ang award-winning direktor sa pelikula. Kasama ang “Mindanao” sa 24th Busan International Film Festival sa South Korea.
Huling napanood si Juday sa telebisyon nang mag-guest siya sa top-rating Kapamilya serye na FPJ’s Ang Probinsyano kung saan gumanap siya bilang ang serial killer na may multiple personality disorder na si Jane.