Huling linggo na ng fantasy series na Starla ng ABS-CBN. Bittersweet ang pamamaalam ni Judy Ann Santos sa show na ginawa niya ng dalawang taon. Masaya umano si Juday sa inspirasyon na naibibigay ng Starla sa mga bata at young-at-heart.
Kwento ng aktres, “Kasi alam mong nakapag-impart ka ng magandang values sa mga tao. Nabuhay ‘yung hope sa kanila, sa mga bata, naging bata uli sila. It’s a very inspirational teleserye.”
Mami-miss umano ni Juday ang buong cast, dahil sa kakaibang bonding nila sa set. Dagdag pa niya, minsan daw ay walang signal sa location pero enjoy siya rito dahil nakakausap niya ang mga co-stars.
Bukod sa teleserye, nakakuha rin ng dalawang Best Actress wins at YouTube Gold Button si Juday. Ngayong 2020, may pelikula pa si Juday kung saan gaganap siya bilang ang producer na si Mother Lily Monteverde. Para kay Judy Ann, “Super pressured and super tensed kasi she is Mother Lily.”
Mismong ang movie producer daw ang pumili sa award-winning actress para sa role. Dagdag na kwento ni Juday, “Siyempre natuwa naman po ako, pero ang una kong tanong, ‘Bakit po ako?’” Sa ngayon, kabilang sa goals niya ang makatrabaho ang bagong henerasyon ng mga artists gaya nina Maine Mendoza at LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil.)