Ipinapasubasta ni Judy Ann Santos ang mga gowns na isinuot niya noong ABS-CBN Ball 2018 at ABS-CBN Ball 2019. Ang malilikom na pera ay ibibigay sa beneficiary ng ball na Bantay Bata 163.
Ang unang gown na gawa ni Yong Davalos ay may starting bid na 20,000 pesos habang ang ikalawang gown na likha naman ni Oscar de la Renta ay may starting bid na 50,000 pesos.
Para sa sinumang gustong mag-bid, kailangan lang mag-send ng message sa @officialjudayph kasama ang full name, address, contact details, gown na gustong i-bid at presyo ng bid.
Inaabangan na ang pinakabagong teleserye ni Juday sa ABS-CBN, ang Starla na mapapanood na ngayong Oktubre.