Kinilala ng film critic at vlogger na si Fred Hawson ang tatlumpung pinakamahuhusay na pelikula nitong nakaraang dekada. Kasama rito ang ilan sa mga movie projects ng mga batikang aktor na sina Raymond Bagatsing at John Arcilla.
Sa isang showbiz event kung saan nagkita ang dalawa, humiling sila na sana ay madagdagan pa ang mga magagandang pelikula. Ayon kay John, “Ako I’m willing to do another hero character, or it’s also nice to have one film with Raymond [Bagatsing] ‘di ba?’
Mutual naman ang suggestion na ito nang sabihin ni Raymond na “I’d love to work with Mr. John Arcilla, definitely, it would be an honor. A great actor.” Hangad din nina Raymond at John na mas marami pang audience ang manood ng mga historical movies na gawang Pinoy, para mas madaling maunawaaan ang ating kasaysayan.
Kabilang din sa listahan ng mga pelikulang nilista ni Fred Hawson ang “Ang Babaeng Humayo,” “Buy-bust,” at “Signal Rock” na ipinalabas na din sa ibang bansa. Kasama din sa listahan ang mga historical movies gaya ng “Goyo,” “Heneral Luna” na pinagbidahan ni John, at “Quezon’s Game” ni Raymond.