Nakipag-bonding si Jessy Mendiola sa pamilya ni Luis Manzado sa Taiwan.
Quality time ang inilaan ni Jessy kina Luis, kapatid na si Ryan, inang si Batangas Representative Vilma Santos-Recto, at Senator Ralph Recto.
Inamin nina Jessy at Luis ang kanilang relasyon noong 2016 at ngayon ay nagpaplano na sila para sa kanilang kasal.
Sa ngayon, patuloy na napapanood si Jessy sa Kapamilya Gold series na Sandugo, habang si Luis ay main host ng I Can See Your Voice at kasama sa cast ng Home Sweetie Home. Mapapanood na rin ang aktor sa talent search na Your Moment bilang co-host ng It’s Showtime mainstay na si Vhong Navarro.