Natawa ang netizens sa isang video na ipinost ng aktor na si JC de Vera sa social media. Kaugnay ito ng pagpapabili ng laruan ng kanyang anak sa tuwing nadadaan sila sa toy store. May pareting tip na ibinigay si JC para sa iba pang mga magulang na maaaring nakararanas ng parehas na sitwasyon.
Base sa video na in-upload ni JC, tinakpan niya ang mga mata ng kanyang anak, at mabilis na tumatakbo palayo sa toy store para hindi niya ito makita. Umani na ng mahigit 171k views at 1,000 comments ang naturang video.
Huling napanood si JC sa teleserye sa ABS-CBN nang makasama siya sa cast ng The General’s Daughter. Patuloy pa ring napapanood ang aktor sa weekend gag show na Banana Sundae.