Excited na ang mga mahilig sa horror movies para sa remake ng classic movie na “Patayin sa Sindak si Barbara.”
Pagbibidahan ito ng Kapamilya actor na si JC de Vera, kasama ang nagbabalik-pelikula na si Nathalie Hart. Sa inilabas na iWant trailer ng “Barbara Reimagined,” gaganap bilang Barbara si Nathalie. Pansamantalang nawala si Nathalie sa showbiz dahil ito ay nanganak.
Hango ang naturang project sa 1974 film ni Celso Ad Castillo na “Patayin Mo Sa Sindak Si Barbara.”