Libo-libong fans ang hinarana ni Grammy award winner Jason Mraz sa kanyang concert kagabi (May 8). Lucky naman ang Pinay singer na si Renee Dominique nang makaduet si Jason on stage.
Sulit ang limang taong paghihintay ng Jason Mraz fans nang bumalik ang Grammy winning singer para sa Manila leg ng kanyang “Good Vibes” tour.
Naki-sing-along sa lahat ng mga hits sa bago niyang album na “Know” pati sa kanyang signature song gaya ng “The Remedy”.
Ito na ang ikatlong pagbisita ng “I’m Yours” singer sa bansa pero sa interview ng ABS-CBN News, ramdam pa rin niya ang init ng suporta ng mga Pinoy.
“I never thought I’d make it this far in a career and also I’m just so thrilled to be back,” ani Jason.
Kahit nasaan daw si Jason, may mga Pinoy na nakasuporta sa kanya, “When I meet Filipinos around the world, there is just such a love that comes out of the Philippines that I don’t receive anywhere else in the world.”
Nakilala rin ni Jason ang Filipino singer at YouTuber na si Renee Dominique na naka-collaborate niya sa kantang “Could I Love You Anymore.” Dream come true para kay Renee nang i-duet nila ang kanta sa unang pagkakataon.
“Stunning, beautiful, angelic, yeah. It’s transcending,” pagsalarawan ni Jason kay Renee.
“I’m very very excited. Like I said I was very nervous to meet him but Jason is a really kind person,” pahayag naman ng Pinoy artist.
Game din silang nag-duet ng kantang “Lucky”.
Looking forward din si Jason na maka-collaborate ang ilan pang singers ng bansa.
Ang buong detalye sa pagpapatrol ni Ganiel Krishnan.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv