Excited na sina Janella Salvador at Diamond Star Maricel Soriano sa kanilang bagong pelikula.
Horror film ang kanilang proyekto na pinamagatang “The Heiress”.
“I’m super excited to work on it kasi I’m going to get to work with Ms. Maricel Soriano," ani Janella sa isang panayam.
Ayon kay Janella, gaganap siyang pamangkin ng karakter ni Maricel na may papel namang mambabarang. Sa kwento, ipapasa ni Maricel ang kanyang kapangyarihan kay Janella.
Aminado naman ang Daimond Star na masaya siyang makatrabaho si Janella sa proyekto.
“Actually mas powerful siya (Janella) kaysa sa akin but she doesn’t know. May twist pa iyon, kung anong gagawin niya sa akin after all these years na inalagaan ko siya, na grinoom ko siya. Sa akin siya lumaki kaya sobrang hurt ako,” ani naman ng The General’s Daughter star.
Target na ipalabas ang pelikula sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre.
READ: Janella Salvador at Maricel Soriano, nagkuwento tungkol sa kanilang bagong pelikula
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv