Tuwang-tuwa ang bagong Darna na si Jane de Leon nang makita niya ang isang batang naka-Darna costume sa isang Halloween party sa loob ng ABS-CBN compound.
Nasa opisina ng Star Magic si Jane para sa isang meeting nang makita ang naturang bata. Hindi pa man inilalabas ang bagong Darna costume ay marami na ang nag-aabang sa magiging hitsura ng aktres oras na lumipad siya bilang ang iconic Pinay superhero.
Sa latest interview ni Jane, sinabi niyang ready na siya sa challenges na haharapin para sa naturang proyekto. Nais din makausap ni Jane ang isa sa mga dating gumanap na Darna na si Angel Locsin para humingi ng tips.