Sa ulat ni Jeff Fernando, inanunsyo na ang pagsisimula ng training ng aktres na si Jane de Leon para sa kanyang pagganap bilang Darna.
Nais din makausap ni Jane nang personal ang isa sa mga gumanap noon na Darna na si Angel Locsin para humingi ng payo.
Kwento pa ng aktres, nag-uumapaw ang kanyang kaligayahan para sa mga papuring natatanggap, lalo pa ngayon na simula na ang kanyang training at plantsado na ang ilan pang ginagawang paghahanda.
July 17 nang ianunsyo bilang bagong Darna si Jane, na pumalit kay Liza Soberano. Matatandaang bumitiw sa project ni Liza matapos magtamo ng injury sa daliri na kinailangan pang ipa-opera sa ibang bansa.
Excited na ang Darna fans na muling mapanood ang paglipad ng pinakabagong Pinay superhero sa big screen.