Nagkasama sa dinner date ang Kapamilya stars na sina Jane de Leon at Liza Soberano.
Hindi dinetalye ni Jane kung ano ang pinag-usapan nila ng kapwa aktres. Pero kwento ng manager ni Liza na si Ogie Diaz, ang mismong talent niya ang humiling na makasama si Jane.
Matapos makasama si Liza, looking forward naman si Jane na makausap sina Angel Locsin at Marian Rivera na minsang gumanap bilang Darna.
Sa ngayon ay abala si Jane sa shooting ng inaabangang Darna movie.