Matatagalan pa bago magkaroon muli ng proyekto ang love team at real-life couple na sina James Reid at Nadine Lustre. Todo-iwas naman si James Reid na magkomento kung matutuloy pa ba ang inaabangang TV project niya sa ABS-CBN na Soulmate, kung saan magiging kapareha niya ang Momoland member na si Nancy McDonie.
Ito ay matapos kumalat ang balita na itinigil muna ang peparasyon para sa naturang project. Ayon kay James “I can’t say too much about that right now, sorry.” Sakaling matuloy ang proyekto, ito ay sa ilalim ng direksyon ng writer-director na si Antoinette Jadaone.
Sa ngayon, nasa musika ang focus ni James na abala sa kanyang bagong album. Bukod sa kanyang career sa music industry, inilunsad na rin ni James ang sarili niyang record label.
At sa mga naghihintay kung kailan muling magtatambal sa isang proyekto ang JaDine, kwento ni James, “in the pipeline, not yet right now. Since I left Viva, it’s been [a while]. Still waiting for things to settle down so we can work out how we’re gonna work together in the future.”