Masaya ang “Culion” lead star na si Iza Calzado sa mga nagsasabing maganda ang laban niya para sa Best Actress award sa Metro Manila Film Festival 2019. Para kay Iza, malaking bagay ang magkaroon ng pagkilala ang isang aktor sa mga proyekto na ginagawa niya. Ayon pa sa aktres, “it would be hypocritical of me to say that an award doesn’t matter. It does, because it motivates you. It’s like a prize. ‘Di ba parang when you do good in school?”
Bukod kay Iza, nominado rin para sa Best Actress Award ang batikang aktres na si Judy Ann Santos na bida naman sa isa pang MMFF 2019 entry na “Mindanao.” Nagbigay din ng reaksyon si Iza tungkol sa pagkakahanay niya kay Judy Ann, “Happy na ako na may laban ako. ‘Yung masabi mo lang sa akin na may laban ako, kahit papaano, kahit konti, okay na ako dun. Please guys, [Juday] won in Cairo and I really put her on a pedestal kasi, that’s why ang hirap ‘no?”
Mapapanood na ang “Culion” kasabay ng iba pang MMFF 2019 entries simula December 25. Bilang bahagi ng kanilang promotion para sa pelikula, nakipag-bonding ang cast sa kanilang mga fans sa isang mall show sa Alabang.