Fitness goals si Isabelle Daza nang makapagbawas ng halos 70 pounds sa loob lang ng pitong buwan. Ito ay kahit hirap siyang magpapayat matapos manganak.
Fit, healthy at sexy ang ibinalik na look ni Isabelle matapos ipanganak ang kanyang baby boy na si Balthazar last year. Greatful si Isabelle sa kanyang healthy body pero aminado siyang pinaghirapan niya ito ng pitong buwan.
“It was a struggle because I gained over 68 pounds when I was pregnant, it’s times three what I’m supposed to gain. And I’m not gonna lie, it took me seven months talaga of hardwork and determination and really discipline on choosing what to eat,” ani Isabelle.
Bukod sa pagkain ng tama, isa sa health tips ni Belle ang pagbabawas ng pagkain at pag-inom ng matatamis, “when people ask me how do you cut down, how do you lose weight, I always say cut out the sugar...”
Aminado rin si Belle na tulad ng iba na nadadagdagan ang timbang, nagkaroon din siya ng anxiety pero ito ang ginawa niyang motivation para magkaroon ng fit body.
“When you gain a little weight, people are a bit more vicious, especially in this industry so I just tried to do things for myself.”
Bukod sa pagiging focus sa kanyang buhay bilang isang ina, balik telebisyon din si Belle para sa isang show ngayong taon.
Ang detalye sa pagpapatrol ni Ganiel Krishnan.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv