Dumalo sa isang healing mass ang ina ng mga Barretto na si Estrella “Inday” Barretto. Kasama niya sa naturang misa ang mga anak na sina Claudine at Gretchen. Ibinahagi ni Gretchen sa kanyang Instagram account ang pagdalo nila sa misa na pinangunahan ni Fr. Fernando Suarez.
Nito lang October ay naging usap-usapan ang pamilya Barretto dahil sa gulong nangyari sa burol ng ama nila na si Miguel. Sinundan ito ng bangayan ng magkakapatid na Marjorie, Gretchen, at Claudine sa social media. Nadawit din sa kontrobersiya ang magpinsang Julia at Nicole Barretto, at naging laman din ng mga balita ang businessman na si Charlie “Atong” Ang.