Malaking porsyento ng mga artistang kandidato ang natalo sa bilangan sa Halalan 2019. Ito ay sa kabila ng bentahe at hatak nila sa mga manonood.
Sorpresa ang pagkatalo ng ilang malalaking pangalan sa halalan 2019, kabilang dito si Richard Yap na tumakbong kongresista sa 1st District ng Cebu City. Naungusan si Richard ni Raul Del Mar. Ikinalungkot ni Yap na hindi siya nabigyan ng pagkakataong tuparin ang pangarap sa Cebu.
Bigo rin si Rommel Padilla sa pagtakbo bilang kongresista sa 1st District ng Nueva Ecija kung saan siya tinalo ni Ging Suansing.
Base sa COMELEC returns, kinulang din sa boto sina Long Mejia sa pagka-kongresista sa Camarines Sur at ang tatay nina Toni at Alex Gonzaga na si Bonoy Gonzaga na tumakbong Mayor ng Rizal.
Hindi rin matagumpay ang takbo nina Edu Manzano bilang San Juan Congressman, Monsour Del Rosario bilang Vice Mayor ng Makati, Andrea Del Rosario bilang Vice Mayor ng Calatagan, Batangas, Roderick Paulate bilang Vice Mayor ng Quezon City, Sheryl Cruz, Councilor ng Tondo, Manila, Jeremy Marquez bilang Vice Mayor ng Parañaque at Dominic Ochoa, Councilor ng Parañaque.
“All I want to do is just thank the people who supported, sa lahat po ng pagmamahal nila,” mensahe ni Dominic.
Kinulang din sa boto ang komedyanteng si Dagul Pastrana sa pagka-councilor ng Rodriguez, Rizal. Kasama rin sa Cainta Vice Mayor candidate Gary Estrada.
Sa mga na-wipe out sa dynasty ni Joseph Estrada sa Maynila, San Juan at Laguna, hinanda na ni Gary ang sarili, manalo o matalo siya.
“Pulitika, pero ‘yun siguro talaga ‘yung path na binigay ng Diyos. Akala ko mananahimik na ako dito sa Greenwoods at magiging magsasaka eh,” ani Gary.
Para naman sa mga kasamahan nila sa showbiz na hindi tumakbo sa halalan, hindi pa ito ang katapusan.
“It’s also time for all of us to be more diligent, really watch what our government is going. Make those who are sitting in power answerable to the Filipino,” ani Shamaine Buencamino.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv