Sunod-sunod na bumoto ang mga artistang pulitiko sa Rizal, kabilang na si Cainta Vice Mayor candidate Gary Estrada at running mate niyang si mayoral candidate Pia Velasco. Ang opposed Antipolo mayoral candidate Andrea Bautista-Ynares at bokal na kandidato na si Jestoni Alarcon.
Pinagkaguluhan din ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga sa pagboto nila sa Taytay kasama ang mayoral candidate nilang ama na si Bonoy Gonzaga.
“Sana maging maayos ang lahat,” pahayag ni Toni.
“Sana makaboto ang lahat nang maayos walang aberya,” ani naman ni Alex.
Binigyan din ng natatanging mukha ni Dagul ang halalan sa pagboto niya bilang councilor candidate sa Rodriguez, Rizal.
“Ang mga senior citizen kailangan din nating tulungan at tsaka katulad ko na PWD. Kung hindi talo, panalo kaya tanggapin natin ‘yan.
Sa Quezon City naman laking gulat ng tumatakbong konsehal ng 4th District na si Jan Marini nang mabalitaang naaresto ang sinusuportahan niya na mayor na si Bingbong Crisologo.
“Na-anxious ako but then nakita ko naman din ang message ni Congressman Bingbong na magrelax lang ang mga followers niya,” mensahe ni Jan.
Bumoto naman si Ara Mina sa Corazon Aquino Elementary School kasama ang amang si Chuck Mathay na tumatakbong mayor ng QC.
Sa Batangas naman, tilian ang lahat nang bumoto si Vilma Santos-Recto kasama ang asawang si Senador Ralph Recto at mga anak na sina Ryan Christian at Luis Manzano.
Sa Pampanga, bumoto si Senatorial aspirant Lito Lapid. Sa Ormoc City kasama ng mag-asawang re-electionist Richard at Lucy Torres-Gomez ang anak nilang si Juliana na unang beses bumoto sa lungsod.
Kahit naman maulan, bumiyahe para makaboto si Imelda Papin na kandidato sa pagka-Vice Governor ng Camarines Sur. Sa Cebu naman, bumoto si Richard Yap na tumatakbong congressman ng North District.
Ang mga eksena sa pagpapatrol ni Mario Dumaual.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv