Ibinida ni Cristine Reyes ang kaniyang bikini body bago matapos ang taong 2019.
Sa kanyang latest Instagram post, nakasuot ng pulang two-piece swimsuit ang Kapamilya actress. Sa ngayon ay may higit isang libong likes na ang post at may mga comments mula sa kapwa artista tulad nina Kylie Versoza, Maris Racal, at Yassi Pressman. Huling napanood si Cristine sa teleserye ng ABS-CBN na Nang Ngumiti ang Langit.
Enero pa nitong taon nang pumutok ang isyung hiwalay na si Cristine sa kaniyang asawang si Ali Khatibi. Matapos nito ay naging usap-usapan din ang pagbago ni Cristine ng kaniyang pangalan sa kaniyang social media accounts. Sa kanyang Instagram username, hindi na niya ginagamit pa ang apelyido ni Ali at ibinalik ang kaniyang pangalan. Dati niyang ginagamit bilang username ang @mrscristinekhatibi. Pansin din ng fans na hindi na siya naka-follow sa Instagram ang kaniyang mister.