Star-studded ang red carpet ng Cannes Film Festival. Present ang mga naglalaking bituin mula sa Hollywood A-listers na sina Leonardo DiCaprio at Brad Pitt para sa Quentin Tarantino movie na “Once Upon A Time in Hollywood”, hanggang sa mga Asian stars na rumampa suot ang gowns ni Michael Cinco gaya ng Thai actresses na sina Sririta Jensen at Praya Lundberg, at Bollywood superstar Kangana Ranaut.
Represented din ang Team Philippines. Nag-premiere sa Quinzaine o non-competitive section ng festival ang pelikula ni Lav Diaz na “Ang Hupa” o “The Halt” na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao.
Present ang dalawa sa screening at nanood ang ilang producers, critics at film lovers ng sci-fi movie na may habang apat at kalahating oras.
“It’s my first time to experience Cannes Film Festival. Of course it’s an honor to be able to represent the film in our country,” ani Shaina.
“It’s always a good opportunity for us to be able to exhibit our films abroad. You know, this is a mirror of the sad faith of humanity, should we not take care of what we have,” ani naman ni Piolo.
At kasabay ng Cannes Film Festival, ginanap ang Marche du Film, ang pinakamalaking film market na exclusive lamang para sa mga film producers. Pilipinas ang country of focus ng prestihiyosong producers network.
Umaasang magbubukas ito ng pinto para sa international producers na maka-collaborate ang Pinoy filmmakers.
Ang pasilip sa screening sa pagpapatrol ni MJ Felipe.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv