Deadma ang GT member na si Chie Filomeno sa bashers ng kanilang grupo.
Sa social media, nag-viral ang ilang performances nila na bina-bash ng netizens dahil hindi sila sabay-sabay sa kanilang pagsayaw. Sagot ni Chie, mas pagbubutihan na lang nila ang susunod na dance numbers at dagdag pa niya, mas na-encourage sila na ibigay ang kanilang 100% kanilang next na production numbers.
Kasama ni Chie sa GT sina Dawn Chang, Joana Hipolito, Krissha Viaje, Mica Javier, Mikee Agustin at Sammie Rimando. Ipinakilala ang GT (dating GirlTrends) noong May 2019 sa It’s Showtime.