Nangako si Gerald Anderson na hindi siya magpapaapekto sa mga negatibong bagay. Ayon kay Gerald, iiwan na niya ang mga bagay na iyon sa nagdaang taon. Pero dagdag niya, nang dahil sa mga nangyari ay nakilala niya ang mga totoong tao sa kanya. Pinagdarasal ng aktor na tulungan siya sa mga nais gawin sa hinaharap. Sa huli, hinihiling ni Gerald na magkaroon ng kapayapaan at maging matagumpay ngayong taon
Nagpasalamat din si Gerald sa mga natanggap na blessings at maging sa mga nalusutang pagsubok noong 2019. Hiling ng A Soldier’s Heart star na magkaroon ng malakas na pangangatawan ang kanyang pamilya, at nais niya rin na makatulong sa mga nangangailangan at gumawa ng mabuti sa kapwa.
Samantala, nagbigay din ng maagang pamasko ni Gerald sa mga batang kapus-palad. Para kay Gerald, “it’s the Christmas season, and we wanna give these kids something to always celebrate. And gusto natin na mabigyan sila ng high morale.”
May bagong role din ang aktor nang italaga siyang Youth Ambassador ng Philippine Youth Commission para maging huwaran ng mga kabataan.