Isang espesyal episode ang napanood nitong April 23 dahil ipinagdiwang ng Umagang Kay Ganda ang kaarawan ng batikang TV reporter at news anchor na si Jorge Carino! At naging memorable pa ang selebrasyon sa pagdating ng anak ni Jorge na si Paulo.
Nagpadala rin ng birthday message ang misis ni Jorge na si Daisy Cariño na gumaganap na Auntie Fe sa hit teleseryeng Halik.
“Happy happy birthday Mr. Jorge Cariño, happy birthday papsie! Nandito na ako sa Bartolome’s House. Pasensya ka na at hindi ako makakapunta ngayon diyan to celebrate with UKG family. May pinadala na lang ako diyang catering, bahala ka na diyan ah… sana huwag lang magbabago, deserve mo lahat ng nangyayari sa buhay mo, sa atin dahil napakabuti mong tao. I love you so much and tandaan mo, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.” Mensahe ni Daisy.
Panoorin ang masayang salo salo para sa birthday ni Jorge sa UKG video na ito.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv