Tinuruan ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados ang ilang co-candidates niya ng salitang Tagalog. Sa video na pinost ng Sash Factor, makikitang tinuturuan ng pambato ng Pilipinas ng salitang “binibini” ang mga kandidata mula Colombia, Angola, Brazil, at Bolivia. Isa-isang nagpakilala sa video ang mga kandidata gamit ang salitang “binibini.”
Bago lumipad papuntang USA, sumabak muna sa question and answer workshop ang Cebuana beauty na si Gazini kay King of Talk Boy Abunda. Dumaan muna ang beauty queen sa programang The Bottomline kung saan ilang pageant correspondents ang nagbato ng tanong sa kanya.
Kabilang sa mga tinanong ay “Do you think the swimsuit competition of Miss Universe pageant is still relevant?” Ayon kay Gazini, “I think that having the swimsuit competition is part of the beauty category. It is a [holistic] platform of showing yourself, that you are confident enough in your skin.”
Sa tanong naman na “the venue for this year’s Miss Universe pageant recently passed a ‘Heartbeat Law’ criminalizing abortion. [Do] you think other states or countries for that matter follow suit? Why or why not?” Sumagot ang kandidata ng “as a person who was raised by conservative mother, and of course [conservative] country, I guess we are not in the right position to take away a life. Because only God can do it, we are here to nurture a life and not to take it away.”