Matapos ang dalawang sunod na panalo sa loob lamang ng apat na taon, maraming Pinoy pageant fans sa loob at labas ng bansa ang naghahangad ng back-to-back win para sa Pilipinas sa Miss Universe 2019. Nakahanda naman umano ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados na ibandera ang bandila ng Pilipinas.
Sa isang charity event noong September 8 (Linggo) ay naikwento ni Gazini na malaking bahagi ng kanyang training para sa Ms. Universe ay nakalaan sa question and answer portion. Bukod sa pangangalaga sa mga nakatatanda, kasama rin sa adbokasiya ni Gazini ang pagtutok sa mga galang hayop sa lansangan. Kwento ng beauty queen, “Whenever I see pets in general, my heart just melts. Like in an instant, ‘cause [I’m] an animal lover.” Sinabi rin ng pambato ng Pilipinas na hindi siya natatakot kung sakaling Pilipinas ang magiging host country ng Miss Universe. Magsisilbi rin umano itong oportunidad para muling makita ng buong mundo ang ganda ng Pilipinas.