Excited na talaga ang viewers na mapanood ang bagong Kapamilya star at award-winning actress na si Janine Gutierrez sa unang Kapamilya teleserye niyang “Marry Me, Marry You” kung saan makakatambal niya si Paulo Avelino.
Gaya ni Janine, unang beses ding bibida sa isang Kapamilya teleserye ang co-stars niyang sina Sunshine Dizon at Jake Ejercito.
Sa “Marry Me, Marry You,” gagampanan nina Janine at Paulo sina Camille at Andrei, na mula sa dalawang magkaibang pamilya at pagtatagpuin ng tadhana, ayon sa direktor nitong si Dwein Ruedas Baltazar. Dadag pa niya, “relatable” ang serye at makakakuha ng ginhawa ang mga viewer mula sa kwento nito.
Kabilang din sa star-studded cast ng “Marry Me, Marry You” ang mga batikang aktor na sina Cherry Pie Picache, Vina Morales, Teresa Loyzaga, Lito Pimentel, Joko Diaz, Jett Pangan, at Edu Manzano.
Dapat ding abangan sa serye sina EJ Jallorina, Iana Bernardez, Luis Vera Perez, Fino Herrera, Adrian Lindayag, Keann Johnson, Angelica Lao, Analain Salvador, at Meanne Espinoza.
Ang “Marry Me, Marry You” ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment at malapit nang mapanood sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.