May mga forecast na muling lalaban sa Binibining Pilipinas sina Sam Bernardo, Vicky Rushton, at si Miss Philippines Earth 2018 Celeste Cortesi. Inaabangan din sa Binibining Pilipinas sina Pinoy Big Brother Otso ex-housemate Diana Mackie at ang ka-batch ni Catriona Gray na si Sandra Lemonon.
Matunog din ang pangalan ni Kelsey Merritt sa pagsali sa beauty pageant. Kasabay ng paglutang ng pangalan ni Kelsey ay si reigning Binibining Pilipinas Globe Leren Mae Bautista. Maugong din na lalaban sa Miss Universe Philippines si Miss Philippines-International 2018 Ahtisa Manalo, at si reigning Binibining Pilipinas International at lawyer na si Patch Magtanong.