Sa kanyang pagkapanalo sa Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions ng It’s Showtime, sinabi ni Ethel Booba na feeling niya ay parang Miss Universe siya. Mas nanaig ang galing ni Ethel sa pag-awit laban kina Jason Fernandez at Roxanne Barcelo. Naging winning piece ng singer-comedian ang “I’ll Never Say Goodbye” ni Nonoy Zuniga.
WINNING MOMENTS: Ethel Booba hailed as TNT Celebrity Edition Grand Champion
Pagkatapos ng final round, nakakuha si Ethel ng final score na 39.82%, laban sa 36.79% ni Jason, at 23.39% ni Roxanne.
Bilang grand champion ng TNT Celebrity Edition, napanalunan ni Ethel ang tropeo, 300,000 pesos at recording contract sa ilalim ng TNT Records.