Kasalukuyang nakabakasyon ang Kapamilya star na si Erich Gonzales sa Czech Republic.
Sa Instagram, ibinahagi ni Erich ang ilan niyang larawan sa naturang European getaway. Ilan sa mga litrato ay kinunan sa capital at pinakamalaking lungsod na bansa na Prague, at sa historic na Charles Bridge.
Huling napanood ng mga Kapamilya si Erich sa afternoon teleserye na The Blood Sisters noong 2018. Sa naturang teleserye ay gumanap bilang tatlong iba’t ibang karakter ang aktres.