Pinagdiwang ng aktres na si Liza Soberano ang kanyang 22nd birthday nitong January 5.
Sa Instagram, nag-post ng sweet birthday message ang kanyang real-life boyfriend na si Enrique Gil at sinabing “Happy birthday my love ❤️ you truly are an angel here on earth. You just give so much, so much happiness and love and I just hope that me and the world can somehow give all of that love back to you. You’re not just drop-dead gorgeous babe, you’re the most beautiful human being I’ve ever met. Sometimes it’s just too good to be true. So, don’t wake me from this daydream and just keep on smiling.”
Sa Amerika nagdiwang ng Pasko si Liza at ang kanyang pamilya. Ito ang unang Christmas celebration ni Liza sa kanyang bagong bahay sa USA. Ibinahagi ni Liza ang mga litrato ng masayang pagdiriwang at nagpasalamat sa mga tumulong para maabot ang kanyang pangarap. Kasama niya sa US si Enrique.
Nitong Disyembre ay inilabas ang trailer ng inaabangang teleserye sa ABS-CBN na Make It with You na pagbibidahan ng LizQuen. Gagampanan ni Liza ang karakter ni Billy, habang gaganap naman bilang Gabo si Enrique. Mapapanood dito si Gabo na naligaw at nagpalabaoy sa Croatia habang isang certified raketera naman si Billy na nagtatrabaho sa nasabing bansa bilang Overseas Filipino Worker.