Ibinahagi nina Enrique Gil at Liza Soberano ang experience sa shooting ng kanilang upcoming teleserye na “Make It With You” sa European country na Croatia.
Ayon kay Enrique, marami siyang natutunan sa kanilang pamamalagi sa naturang bansa. Nabighani rin si Enrique sa kultura ng bansa. Kwento naman ni Liza, mature ang gagampanan nilang roles sa bagong teleserye at tema ng naturang project ang mga leksyong matututunan sa buhay.
Ang “Make It With You’ ang ikatlong teleserye ng LizQuen kasama ang box office director na si Cathy Garcia Molina. Una nilang nakatrabaho ang premyadong direktor sa teleseryeng Forevermore noong 2014, at sa Dolce Amore noong 2016.