Umarangkada na sa kongreso ang Eddie Garcia Act. Layunin nito na protektahan ang mga nagtatrabaho sa film industry.
Naging emosyonal si Film Development Council of the Philippines Chairman Liza Dino nang alalahanin ang pinagdaanan para itaguyod ang batas. Naniniwala naman siya na makikinabang ang lahat ng manggagawa sa pelikula oras na maratipikahan na ang Eddie Garcia Act.