Pasado para kay Direk Erik Matti ang bagong Darna na si Jane de Leon.
Bagama’t hindi personal pick ni Direk Erik si Jane, naniniwala pa rin siya na kayang-kaya ng aktres na gampanan ang role.
Unang idineklarang direktor ng naturang project si Direk Erik na nagbitiw dahil sa creative differences. Ngayon, pumalit si Jerrold Tarrog para mamuno sa inaabangang pelikula ng iconic Pinay superhero.
Excited naman si Jane na lumipad bilang bagong Darna. Katunayan, nais din makausap ni Jane nang personal ang isa sa mga gumanap noon na Darna na si Angel Locsin para humingi ng payo.
Kwento pa ng aktres, nag-uumapaw ang kanyang kaligayahan para sa mga papuring natatanggap, lalo pa ngayon na simula na ang kanyang training at plantsado na ang ilan pang ginagawang paghahanda.