Tatanggap ng parangal ang Kapamilya star na si Dimples Romana. Kinilala ang aktres sa kanyang pagganap bilang si Daniela Mondragon sa hit afternoon teleserye ng ABS-CBN na Kadenang Ginto.
Lilipad papuntang Singapore si Dimples para tanggapin ang award na Regional Supporting Actress na igagawad ng Singapore for Asia’s Creative Academy Award. Nagpasalamat naman ang aktres sa tiwala at oportunidad na binigay sa kanya ng Dreamscape.
Bukod kay Dimples, tinututukan din ang mga karakter nina Beauty Gonzales bilang si Romina, at si Albert Martinez na ginagampanan naman an papel ni Robert. Ang mga eksena ng Gold Squad members na sina Francine Diaz, Kyle Echarri, Andrea Brillantes, at Seth Fedelin ay inaabangan din ng kani-kanilang fans.
Magiging bahagi rin si Dimples ng 2019 Metro Manila Film Festival entry na “The Mall, The Merrier’ na pagbibidahan ng It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis. Ipalalabas na ito sa mga sinehan simula December 25.