Na-touch si Kadenang Ginto star Dimples Romana sa natanggap na handwritten love letter mula sa co-star niyang si Kim Molina.
Sa Instagram, sinabi ni Dimples na isa na si Kim sa kanyang most treasured friend. Dahil malapit na nga ang kaarawan ni Dimples, ipo-post niya ang mga regalong natanggap niya mula sa pamilya at mga kaibigan.
Napapanood si Kim sa Kadenang Ginto bilang si Savanah, na isa sa mga kakampi ni Daniela Mondragon na karakter naman na ginagampanan ni Dimples. Nitong nakaraang buwan ay napanood naman siya sa kanyang unang starring role sa big screen na ‘Jowable.’