Sa kabila ng busy work schedule, nakakuha ng time-off si Dimples Romana.
Sa kanyang Instagram, makikitang enjoy si Dimples sa kanyang long-weekend sa Dubai. Ibinahagi ni Dimples ang kanyang naging biyahe sa Desert Safari. Bukod sa bakasyon, inilaan din ng Kapamilya actress ang naturang panahon para makasama ang kanyang pamilya.
Patuloy na gumaganap si Dimples bilang ang lovable kontrabidang si Daniela Mondragon sa Kadenang Ginto. Mas tumitindi naman ang mga tagpo sa teleserye dahil sa pagbabalik ng aktor na si Albert Martinez na gumaganap sa papel na ni Roberto Mondragon.