Proud na tatay si Dennis Padilla sa nararating ngayon ng career ng anak na si Julia Barretto bilang isang artista. Kaya naman kahit busy si Julia, nakakasingit ng kamustahan si Dennis sa kamag-anak para maka-bonding.
“Once in a while, I text her, kamusta ka, saan ka, puro gano’n lang. Kasi sa edad niya, ‘pag hindi siya nago-open up sa akin, hindi ko masyado kinakalkal.
Bida ngayon si Julia sa pelikulang “Between Maybes” kasama si Gerald Anderson. Napa-throwback pa si Dennis sa mga panahong nagsisimula pa lamang si Julia sa showbiz.
“Well, I’m so proud kasi number talagang ‘yung talent niya nando’n na. Hindi mo na kailangan.”
Showing na ang “Between Maybes” sa mga sinehan.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv