Binalikan ni dating Tabing Ilog star Paula Peralejo ang dahilan kung bakit siya nagdesisyon na iwan ang showbiz.
Isa na ngayong full-time nanay sa kanyang anak ang dating aktres. Kwento ni Paula, mas gusto niya nang pagtuunan ng pansin ang sariling negosyo at pagpapalaki sa anak.
Bukod sa social media work, mayroon ding travel agency ngayon si Paula. Dagdag pa niya, naisipan niyang tumigil noon sa pag-aartista para magseryoso sa pag-aaral. Bagama’t aminado si Paula na name-miss niya ang mga nakasama noon sa showbiz, sinabi niya na mas gusto niya ang buhay niya ngayon.
Sa kabila ng naging desisyon, hindi pa rin naman isinasara ni Paula ang pinto sakaling may dumating na showbiz offers, pero ayaw na rin niya ng long-term projects dahil mas gusto niyang tutukan muna ang pagpapalaki sa anak.
Nagwakas ang Tabing Ilog noong 2003. Kasama rito ang ilang bigating artista ngayon gaya nina John Lloyd Cruz, Jodi Sta. Maria, Baron Geisler, Desiree del Valle, Paolo Contis, Patrick Garcia at Kaye Abad. Mapapanood naman ng mga Kapamilya ang episodes ng naturang serye sa iWant.