Ikinasal na ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Jinri Park sa Filipino-Australian non-showbiz boyfriend na si John. Ginanap ang kanilang wedding sa South Korea kung saan nakasama ni Jinri ang kanyang pamilya.
Nitong July lang inanunsyo ni Jinri ang kanilang engagement. Thankful naman siya na nakahanap siya ng Pinoy na kabiyak dahil para sa kanya ay tahanan pa rin kung maituturing niya ang Pilipinas.