Napili ang Kapamilya singer na si Darren Espanto bilang representative ng Pilipinas sa ASEAN-Korean Culture Innovation Summit 2019. Makakasama ni Darren ang iba pang artists na mula rin sa Asia. Bilang bahagi ng event, inilabas noong November 18 sa YouTube ang video ng recording ni Darren ng kantang “Side-by-Side” na official anthem ng Cultural Summit.
Kahit na busy sa kanyang career sa music industry, kailan lang ay nakapagtapos na si Darren sa Senior High School. Ibinahagi pa niya sa Instagram ang kanyang larawan na suot ang toga at habang hawak ang isang diploma. May caption pa ang naturang post na “I thought it was impossible to achieve this. Thankful that I did not doubt myself....” at nilagyan ng #NeverGiveUp. Nagpasalamat ang teen singer sa Diyos at maging sa lahat ng sumuporta at naniwala sa kanya.