Libreng nagturo ng “Tala” dance steps ang G-Force sa halos 300 katao na dumalo sa free dance class ng grupo. Ang itinurong sayaw ay ang trending “Tala” Dance Craze na pinasikat ni Popstar Royalty Sarah Geronimo.
Mismong ang lead choreographer ng grupo na si Georcelle Dapat-Sy at ang senior dancer na si Jelai ang nagturo ng “Tala” signature moves. Ang libreng lessons ay bilang pasasalamat ng grupo sa mga tumangkilik sa “Tala” at sa kanilang 15th anniversary.
Pagbabahagi ni Teacher Georcelle, “I am very happy for Sarah Geronimo, dream niya ‘to na magkaroon ng [ganito], sa pop culture.”
Pati mga bata, hindi rin nagpahuli sa trending hit song na apat na taon na ang nakalipas nang una itong ilabas.